People Here! :)


Hi! My name is Lysa. 20. Single. Registered Nurse. Graduated from the University of Santo Tomas, College of Nursing, Philippines. Pink is my favorite color and I enjoy helping people. I'm a gamer girl and I love playing DOTA. I also love to sing (please do check out my song covers!) This is my personal blog slash advice blog. So if you got any questions for me, don't hesitate to ask! :)



May 24th
8:00 PM nurs

NALOLOKA NANAMAN AKO SA MGA TANOOONG! HAHAHA. GRABE LANG.

T.T

Anyway, follow nyo naman po ako sa twitter?

http://twitter.com/thenurseinpink

Ifofollow back ko kayo! :D

7:58 PM nurs

a message from Anonymous


Is it bad for your eyes to get wet right after you use your computer? (I use warm water)

What do you mean when you say “getting your eyes wet”

Do you mean washing your face or like literally washing your eyeballs?

If you mean washing your face (with your eyes closed) after using the computer, then it’s alright.

But if you meant literally washing your eyeballs with warm water then I do not recommend that. It’s better to buy eyedrops if your eyes are really dry after using the computer. Washing it with warm water can only irritate and dry it further…

7:55 PM nurs

a message from Anonymous


Ate, ang itim po kase nung siko at tuhod ko as in malayo po sa kulay ko, ano bang masusuggest mong remedies ate? SALAMAT! =))

Medyo mahirap kasi to. Walang mabilisan. Haha. Unless gusto mo magpaBelo or something.

Anyway, lotion lang ng lotion. Ung whitening. Tapos sabayan mo na ng papaya soap. 

Tapos bili ka ng panghilod. Tapos hilurin mo ng hilurin tuwing naliligo ka. Tapos syempre iwas sa araw din. Gamit lagi ng sunblock.

Note: Pag gumagamit ng whitening products, mas mabilis lalo umitim. Kaya talagang iwas sa araw.

7:52 PM nurs

a message from Anonymous


Hello, pwede na po ba yung cetaphil facial wash sa 16-17 yrs old? And ano po magandang moisturizer? Thank youuu! God Bless <3

Pwede naman. Ako ginagamit ko na ung Cetaphil na facial wash ng ganung edad. Mild kasi un e.

Recommended ko na moisturizer, Cetaphil din. Or Celeteque pwede din kung gusto mo ng mas mura.

Salamat! Godbless din sayo. Haha. Salamat sa tanong mong hindi tungkol sa sex.

7:50 PM nurs

a message from Anonymous


ate nurse, panu yan kapag may nasugat talaga sa loob dahil rough ang sex, dapat bang ika-worry un?

Depende sa damage. Pag minimal lang naman di naman masyado. Parang ordinaryong sugat lang. Mas dapat lang mag-ingat sa infection. Kasi mas nagtthrive ang bacteria sa moist places. So mas madali mainfect. Proper hygiene lang.

7:49 PM nurs

a message from Anonymous


Miss nurse. May tanong po ako. Kasi, hindi ko po maintindihan. Sabi mo po may sperm sa pre-ejaculatory period. Pero sabi po ng iba, proven na DAW na walang sperm dun except kung nagejaculate sya before.. PERO po ulit, macclear out daw po yun pag nagpee yung lalaki. -__- What's true po ba?

Asan po ung proof ng study na sinasabi mo? Hindi kasi pwedeng sabi sabi lang. Haha.

Sa 4 years na pag aaral ko sa UST ang sinabi may sperm ang pre-cum. Pero konti lang. Hindi kasing dami ng pag ejaculation na talaga.

At ang sabi nga nila, ang kelangan lang para mabuntis e isang pirasong sperm. As in isa lang. At meron nun sa pre-cum. kaya hindi 100% sure na birth control ang withdrawal method.

Eh di kong totoo ung sinasabi mo na PROVEN na walang sperm sa precum as you say eh di nalugi na ung mga condom at kung ano pang contraceptive. Wag na lang maglabas sa loob diba? Pero hindi naman. At ang pre-cum present yan all throughout sex. Mas padami pa ng padami pag palapit na sa climax. So pag pinasok sayo eh meron at meron un.

Ung sa pag-ihi, sabe nababawasan daw. BAWAS being the operative word. Ibig sabihin hindi nauubos. At tulad nga ng sabi ko, isa lang ang kailangan para mabuntis

May 23rd
9:27 PM nurs
Here at Serenitea D. Tuazon again. ♥ #milktea #food

Here at Serenitea D. Tuazon again. ♥ #milktea #food

8:11 AM nurs

a message from Anonymous


..helu po. gusto ko lang po magtanong about how to deal with darkened area sa may vagina tsaka butt. di ko po yun nanotice before kasi bata pa po kasi ako ntil recently na medyo conscious na ako sa body ko.. ano po ba kaya ang maganda kong gawin? thank you..

baka po ang ibig mo sabihin eh ung sa may singit?

Kung mejo chubby po tayo tapos nagkikiskisan ung thighs, iitim talaga un. Lagyan mo na lang ng lotion. Tapos iscrub mo lage tuwing maliligo ka. Medyo matagal pero kapag ginawa mong routine, puputi din yan…

May 22nd
12:02 PM nurs
Di naman ako masyadong vain. Medyo lang. HAHAHA.

Aalis kasi ako. Anyway, magandang tanghali! :))

Di naman ako masyadong vain. Medyo lang. HAHAHA.

Aalis kasi ako. Anyway, magandang tanghali! :))

11:57 AM nurs

a message from Anonymous


Ate nurse ako ung knina, hmm, fertile, pero protected sex nman po. May 18 po nangyari.. right after po, same day, dun ko po napansin ung blood

Baka masyado lang rough. Hihi

May 21st
9:41 PM nurs

a message from Anonymous


Ate Nurse, may idudulog akong problema. Kasi po afterkong makipagsex, ndi ko napansin, meron pa lang dugo. hindi ko naman po first time. At minimal lng ung flow ng dugo, very very light lang kaya hindi po menstruation. tsaka lst april 26 ngkarun pa ako, ang cycle ko po 40 days or less kaya probable june 19 pa ako mgkakarun ulit. 2 days na po ang nakalipas pero may faint blood pa rin po akong nanonotice. ano po ba kaya ito? help po.. please

Aw.. anon, alam mo hindi mo naman sinabi sken kelan ung sex nyo e. Oh eh pano ko cocomputein? Ikaw na lang mag compute according sa calendar method. Pabackread na lang po kug pano. Ang lam ko may kakatanong lan nun e. Naexplain ko naman dun.

Tignan mo kung pasok ba sa fertile days. Kung hindi, baka naman sobrang rough nyo lang at nasugatan ka sa loob. Kung ndi, obserbahan mo dn muna baka naman UTI.

8:24 AM nurs
Got a score of over 3,000,000 in Candy Crush. Haha. I would&#8217;ve loved to go on but my tab was already overheated and my fingers were tired. XD. #candycrush

Got a score of over 3,000,000 in Candy Crush. Haha. I would’ve loved to go on but my tab was already overheated and my fingers were tired. XD. #candycrush

May 20th
5:12 PM nurs

a message from Anonymous


Ate nurse, pano po ba gawin ung calendar method? parang ang hirap po kasing intindihin.

Ay grabe? Haha. Ilang beses ko na po to pinost. T.T

CYCLE= Start magkaron hanggang day na nagkaroon ka ulit. Usually ito ay one month or 28 days. Kelangan mo to bilangin.

OVULATION DAY= CYCLE DIVIDED BY 2.

Example= 28 days divided by 2= DAY 14.

Day 14 ang Ovulation Day mo. Ito ung panahon na naglalabas ng egg cell ang katawan ng babae. Hindi naman kasi kada araw buong buwan eh may egg cell na mafefertilize. Lumalabas lang to sa gitna ng cycle o ung ovulation day.

Egg cell + sperm cell= baby.

Kapag nakipagsex ka sa araw na ito, malaking malaki ang chance mo mabuntis.

Kaya para maiwasan ito, BAWAL ANG SEX 5 DAYS BEFORE AT 3 DAYS AFTER NG DAY OF OVULATION.

(Bale day 9 ng cycle mo hanggang day 17 bawal ang sex)

Sana po ay naintindihan mo na. Haha.

5:08 PM nurs

a message from Anonymous


Hi ate ask ko lang po kung safe po bang makipag sex kahit may mens? hindi po ba makakakuha ng sakit pag ganun? thanks po! :)

Mas prone po sa infection. Pag may mens kasi slightly mas bukas ang cervix kaya tumutulo ung mens. Dahil dun pwedeng makaakyat ung infection.

Kapag din may mens ka, tumataas ung pH ng vagina mo. Pag mababa ang pH acidic. Mas maganda to kasi pag medyo acidic, nafifight ung mga bacteria. Pag meron ka, mas mataas ang pH. Ibig sabihin, base. Nde acid. Mas prone din sa infection kasi walang panlaban.

At ung dugo eh conducive sa bacteria para tumubo.

5:06 PM nurs

a message from Anonymous


Hii ateee! pano po gamitin ung contraceptive pills?

Ay mas maganda kung kumonsulta ka sa OB mo para dyan. Kasi hindi ganun kadali magpills. Madami yang side effects at may schedule yan na finofollow. Hindi yan parang isang banig ng gamot na iinumin kahit kelan.

At kelangan yata ng prescription para dun. At ichecheck din muna kasi kung safe para sayo yung pills. Tsaka pinapattern un sa menstrual cycle mo.